TILA insulto sa kakayahan ni pamahalaan ang ginagawang paglalamyerda ng wanted na gaming tycoon sa mismong baluarte ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
Sa isang pulong-balitaan, inamin ni Remulla na nasa loob pa rin ng bansa si Atong Ang na sinasabing utak sa likod ng pagdukot at pagpatay sa mahigit 100 missing sabungero.
Katunayan aniya, namataan ang kontrobersyal na negosyante sa lalawigan ng Cavite noong nakaraang buwan. At sa ikalawang pagkakataon “muntik” na naman masakote ng mga operatiba ang target na si Ang.
“He’s here in the Philippines, for sure. Last sighting sa kanya, Cavite one month ago,” wika ni Remulla.
Una nang ibinahagi ni Remulla ang paglikha ng isang strike team na binubuo ng humigit-kumulang 300 tauhan mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang tanging trabaho ay suyurin ang bawat sulok ng bansa para sa ikadarakip ng mga wanted.
“Agad-agad nag-organize kami ng strike team kung nasaan siya. Pagdating namin, nakaalis na. We acted very fast, as fast as we could,” paliwanag ng DILG chief.
