BAHAGYANG pinawi ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pag-aalboroto ng mga konsyumer matapos ihayag ang pansamantalang suspensyon sa koleksyon ng Green Energy Auction Allowance (GEA-All) para sa billing period ng Mayo at Hunyo 2026.
Ayon sa ERC, ang naturang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan pagaanin ang pasanin ng mga mamamayang sa buwanang singil sa konsumo ng kuryente.
Paglilinaw ng ERC, hindi lang Meralco ang inatasan itigil ang paniningil ng GEA-All. Saklaw din aniya ng naturang direktiba ang iba pang kumpanya at kooperatiba.
Sa ilalim ng GEA-All, ikinakarga sa buwanang singil sa mga konsyumer ang P0.0371 sa kada kilowatt hour na konsumo.
Pagsapit ng buwan ng Hunyo, magsasagawa ang ERC ng komprehensibong pagsusuring batayan ng ahensya sa pagpapalawig ng suspensyon sa GEA-All collection.
