SA hangarin tiyakin ang angkop ng estratehiya sa implementasyon ng Universal Health Care Act, lumikha si Health Sec. Jose Pujalte Jr. ng isang konsehong binubuo ng mga dating Kalihim ng ahensya.
Pakay ng tinaguriang “council of experts” tiyakin lubos na mararamdaman ng mga mamamayan ang benepisyo sa likod ng pagpapatupad ng Universal Health Care Act.
Ayon kay Pujalte, malaking bentahe sa kagawaran ang karanasan at kaalaman ng mga dating kalihim para mapanatili ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga reporma sa sektor ng kalusugan at matiyak ang mas maayos at makataong serbisyong pangkalusugan.
Aniya, ang konseho ang tatayong tagapayo ng sa mga pangunahing programa ng ahensya, alinsunod na rin sa prayoridad na binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).
Kabilang sa mga miyembro ng Council of Experts sina dating Health Secretaries Esperanza Cabral, Manuel Dayrit, Jaime Galvez Tan, Janette Garin at Carmencita Noriega-Reodica.
Binigyang-diin ng DOH na sa pamamagitan ng naturang inisyatibong, mas mapapalakas ang pagpapatupad ng mga reporma sa kalusugan at maisusulong ang isang sistemang pangkalusugan na mas mabilis, mas patas at walang kinikilalang estado.
