PUMALO na sa higit 1.4 milyon ang bilang ng mga nagparehistrong botante para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre.
Ayon sa datos ng Commission on Elections (Comelec), nasa kabuuang 1,452,060 indibidwal ang nagparehistro mula nang simulan ang voter registration noong Agosto 1.
Pinakamarami ang nagparehistro mula sa Calabarzon na may 184,683 bagong botante, sinundan ng Central Luzon (154,551), Bicol Region (114,051) at National Capital Region (111,979).
Nakatanggap naman ang Special Registration Anywhere Program (SRAP) ng 10,418 aplikasyon.
Sa pagtataya ni Comelec Chairman George Garcia, aabot sa 1.5 milyong bagoing botante ang inaasahang madaragdag sa isinagawang voter registration.
