HIGIT pa sa 18 pulis ang sangkot sa kontrobersyal na kaso ng mga missing sabungero, ayon sa National Police Commission (Napolcom).
Pag-amin ni Napolcom Vice chairman Rafael Calinisan, kabilang sa posibleng madagdag at makaladkad pa sa asunto ang isang heneral.
Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na patuloy ang imbestigasyon sa mga pangalan ng pulis na idinawit ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan.
Batay sa sinumpaang salaysay ni Patidongan, 18 pulis ang dawit. Sa nasabing bilang, 12 ang aktibo pa sa serbisyo habang anim ang sibak na sa PNP roster.
Ayon kay Calinisan, pawang mataas ang ranggo ng iba pang pulis na paksas ng imbestigasyon ng Napolcom.
“Marami pang ibang pangalang hindi pa lumulutang na ating iniimbestigaha… karamihan sa kanila mataas ang ranggo,” wika ni Calinisan.
