
PORMAL nang sinampahan ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) si former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kaugnay ng pagpatay sa isang retiradong heneral bago pa man ganap na mailantad ang katiwalian sa naturang ahensya.
Bukod kay Garma, swak din sa asuntong inihain ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at National Bureau of Investigation – Organized and Transnational Crime Division ang dating National Police Commission (NAPOLCOM) commissioner na si Edilberto Leonardo.
Hulyo ng taong 2020 nang tambangan si PCSO Board Secretary Wesley Barayuga na anong pagbubulgar ng korapsyon sa PCSO na noo’y pinamumunuan ni Garma. Sugatan din sa naturang insidente ang driver ni Barayuga.
Pasok din sa kasong murder ang limang iba pa kabilang si Lt. Col. Santi Mendoza na nagnguso kay Garma at Leonardo, Nelson Mariano na tumayong kasador, Sarhento Jeremy Kausapin na nagsagawa ng pagpatay kay Barayuga at dalawang iba pa.
isang alyas Tok na ang kinuha umanong hitman na si alyas Tok, na malaunan ay natukoy na isa ring pulis na kinilalang si PSMS Jeremy Kausapin.
Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Garma.