SA ikatlong pagkakataon sa pagpasok ng 2025, muling magpapataw ng dagdag-presyo ang mga kummpanyang nagbebenta ng mga produktong petrolyo sa lokal na merkado, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ayon kay Rodela Romero na tumatayong Assistant Director ng DOE – Oil Industry Management Bureau, pinagbatayan ngdagdag-presyo ang galaw ng international fuel trading sa nakaraang apat na araw.
Inaasahan papalo sa P1.60 kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina, P2.60 sa krudo habang P2.50 naman ang posibleng umento sa kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto.
Pasok din aniya sa mga nagtutulak ng bigtime oil price hike ang trade sanction na ipinataw ng Estados Unidos at UK sa bansang Russia.
“This will result in a reduction of Russian exports thereby could push global crude prices higher in the near term, as the market adjusts to the loss of supply from one of the world’s largest oil producers,” dagdag ng opisyal.
