
MULING nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa isinusulong na impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Marcos ang pahayag matapos hingan ng reaksyon hinggil sa posisyon ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na nagsabing magkakaroon ng malaking problema ang bansa sakaling sundin ng Pangulo ang panawagan ng Iglesia Ni Cristo sa ginanap na National Peace Rally kamakailan.
Ayon kay Marcos, may punto naman si Enrile. Pero nilinaw ng pangulo na obligasyon ng Kongreso aksyunan ang inihaing reklamo laban sa pangalawang pangulo.
Gayunpaman, kumbinsido si Marcos na hindi magtatagumpay ang impeachment laban kay VP Sara. Ang dahilan – wala ng sapat na panahon dahil pumasok na ang panahon ng kampanya.
“I don’t think that now is the time to go through that. So, ipaubaya na muna natin sa ating… tutal as a practical matter, papasok na tayo sa campaign period. Wala nang congressman, wala nang senador dahil nangangampanya na sila. Hindi tayo makakabuo ng quorum,” paliwanag ni Marcos.
“And so, as a practical matter, the timing is very poor,” pahabol ng pangulo.