MULING lilisanin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bansa para magtungo sa bansang Russia kaugnay ng dalawang araw na working visit sa Hunyo 17 hanggang 18.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nakatakdang dumalo ang Pangulo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit bilang paghahanda sa ika-35 anibersaryo ng ugnayan ng ASEAN at Russia.
Para kay Castro, malaking bentahe sa Pilipinas ang two-day working visit ni Marcos sa Russia na aniya’y isang ASEAN dialogue partner. At dahil Pilipinas ang Chairman ngayong taon, pangungunahan ng Pangulo ang pagsusuri sa relasyon at koordinasyon ng Pilipinas sa Russia.
“Ayon sa DFA, magtutungo ang Pangulo sa Kazan, Russia mula 17 at 18 upang dumalo sa ASEAN -Russia Commemorative Summit,” wika ni Castro.
Gayunpaman, walang ideya si Castro kung magkakaroon ng pagkakataon si Marcos kausapin si Russian President Vladimir Putin.
