“EVEN though we are in the middle of preparing for the impeachment trial, what happened and what is happening in lindol in Mindanao is not far from our minds and conscience.”
Bilang patunay, ibinida ni Akbayan partylist Rep. Chel Diokno ang pagbuo ng delegasyon ng mga mambabatas na nakatakdang magtungo sa Mindanao para alamin ang kalagayan ng mga biktima na magnitude 7.8 na lindol.
Ayon kay Diokno, anumang ulat na bitbit ng delegasyon pabalik ng Maynila ang gagamiting basehan ng Kamara — sa kumpas ni House Speaker Faustino Dy III – sa tulong ng mababang kapulungan sa mga apektadong lalawigan.
Aniya, una nang inilunsad ng mga kongresista ang paglikom ng donasyon at pagsasagawa ng relief efforts sa mga apektadong pamilya at komunidad.
“Actually, when that happened, the members of the House already came together. We have already begun donation and relief efforts, more than 100 House members have pledged help, including personal contributions,” dagdag niya.
Unang tinungo ng grupo ni Dy ang General Santos City at Sarangani province kung saan kasama niya sina Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez (South Cotabato 2nd District), Sarangani Rep. Steve Chiongbian Solon, South Cotabato 1st District Rep. Ed Lumayag, General Santos City Rep. Shirlyn Bañas-Nograles; South Cotabato 3rd Dist. Rep. Dibu Tuan at 1-Tahanan Partylist Rep. Elmer Catulpos.
Sa paglapag sa General Santos City International Airport, agad na nakita ni Speaker Dy ang pinsala sa pasilidad, na isa sa major transportation gateways ng SOCSARGEN kung saan nagsagawa ng assessment sa kondisyon at operational readiness ng rehiyon matapos ang pagtama ng magnitude 7.8 na lindol.
Nakipagpulong din sina Speaker Dy kina General Santos City Mayor Lorelie Pacquiao, South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr., Sarangani Gov. Ruel Pacquiao at Vice Governor Danny Martinez, kasama rin sina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Director Loreto Cabaya, Department of Health (DOH) Regional Director Aristides Tan, at Police Regional Office 12 Director Brig. Gen. Alan Manibog.
Pinuntahan din ng delegasyon ng House Speaker ang bayan ng Alabel sa Sarangani, partikular ang Emergency Response Center malapit sa Provincial Capitol at sila ay binigyan ng briefing hinggil sa crisis situation at emergency response efforts ng lalawigan.
Bilang tugon, tiniyak ng lider ng Kamara ang kahandaang magpaabot tulong at iba pang pangangailangan ng mga mamamayang nasalanta ng Mindanao quake.
“Meron na rin po actually na nakapag tulong na rin po kami at ganun pa rin po kung kailangan pa rin tumulong ay nandito naman po ang Kongreso. Kami po ay nakikiisa at nakikiramay at makakaasa po kayo na amin pong patuloy na pagtulong para matiyak na makabangon po tayo ng sabay-sabay sa problema na ito,” pahayag pa ng Isabela lawmaker.
“Yung mga public facilities natin na kailangan katulad ng ospital na kailangan na kailangan natin ngayon. Kailangan makitang mabuti yung worthiness, ganun din yung ating airport para tuluy-tuloy. Yung kalsada, nakita natin hirap na hirap nila itransport yung mga kailangan natin madala doon. Kaya maganda rin kahit papano ang Department of Public Works and Highways, tuloy-tuloy naman ang kanilang effort para gawan ng paraan na maging accessible at makarating yung mga tulong diyan sa bayan,” dagdag niya.
Binigyan-diin ni Dy ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat isa, kabilang ang local legislators at officials para matukoy ang mga pangunahing pangangailangan at matiyak na maipaabot agad sa mga apektado.
“Tayo po ay nakikinig sa kanila kung ano po yung mga kakailanganin nila, at ganun naman patuloy din po ang ating koordinasyon sa kanila para matiyak na matulungan po natin yung mga nangangailangan,” ani Speaker Dy patungkol sa mga kongresista mula sa rehiyon.
Samantala, nanindigan si Diokno na kaya ng Kamara na sabay-sabay na gampanan ang mga responsibilidad nito kasama na ang pag-agapay sa panahon ng kalamidad at pagtupad sa constitutional duty nito na pagsusulong ng impeachment process.
“Impeachment is one of our duties under the Constitution, but helping the victims of this earthquake is a humanitarian duty, we do not forget that,” tigas na sabi pa ng Akbayan PL solon.
“We are doing everything we can to make sure that those efforts will reach the affected families and communities,” sambit din niya.
Tiniyak ni Diokno na kasabay sa patuloy na paghahanda ng prosecution panel sa inaabangang impeachment trial ay nakatuon pa rin ang atensyon ng mga miyembro ng Kamara na gampanan ang kanilang legislative and humanitarian duties.
“While we are in the middle of preparing for this constitutional trial, we are also not forgetting our duties to legislate, and of course our duties to provide as much assistance and support as we can to those who were affected by the earthquake,” wakas na sabi ni Diokno.
