
HINIMOK ni Senate President Juan Miguel Zubiri kay Pangulong Ferdinand Marcos na sipain pauwi sa bansang China si Ambassador Huang Xilian matapos ang pinakahuling pambabarako sa West Philippine Sea.
Sa panayam, sinabi ni Zubiri hiniling niya sa Pangulo ang pagpapauwi sa Chinese ambassador.
“He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” sabi ni Zubiri.
“This was a humanitarian mission, and still China chose to attack them. They have no heart,” dagdag pa ni Zubiri.
Noong Linggo, binomba ng water cannon ng Chinese vessels ang tatlong patrol boats na ipinadala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa supply sa mga mangingisda malapit sa Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).
Nagpatuloy ang China Coast Guard sa pambobomba ng tubig sa tatlo pang barko ng Pilipinas kung saan isa sa mga ito ay binangga pa ng China boat.
“They have gone from unlawfully blocking us, from navigating our own waters, to now deliberately damaging our vessels and endangering the lives of our people,” ayon pa sa Senate president.