MATAPOS ang mahigit isang buwan ng pananatili sa detention facility ng senado, isang liham ang pinadala ng mga sinibak na opisyales Department of Public Works and Highways (DPWH) kay Senate President Vicente Sotto III.
Hirit ng tinaguriang BGC boys na sina dating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, Assistant District Engineers Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, house arrest na lang muna sana.
Gayunpaman, nilinaw ni Sotto na hindi pwedeng siya lang ang magpasya, kasabay ng giit na kailangan hintayin pa ang pagbabalik sa Pilipinas ni Senador Erwin Tulfo, acting chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na naglabas ng citation contempt laban sa tatlong dating DPWH officials.
Kapansin-pansin naman na hindi kasama sa humiling ng house arrest ang contractor na si Curlee Discaya na may nakabinbin na petition for writ of habeas corpus sa Pasay City Regional Trial Court.
Setyembre 8 pa na-contempt si Hernandez dahil sa pagsisinungaling sa komite, habang noong Setyembre 18 naman na-contempt sina Hernandez, Mendoza at Discaya. (ESTSONG REYES)
