
“THOSE who ran for public office should not run from their tax obligations.”
Ito ang mensahe ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa candidates, political parties at iba pang mga grupong tunakbo sa katatapos na 2025 elections.
Sa isang television interview, binigyan-diin pa ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na “lahat ng mga tumatakbo, mga kandidato, mga political parties, at ang mga party-list kinakailangan nilang mag-rehistro sa BIR kung sila ay tumatanggap ng mga contributions at gumagastos sa kanilang kampanya.”
“Kinakailangan na mag-rehistro yan at kinakailangan pag nagbabayad sila sa kanilang mga suppliers ay kinakailangan nilang mag-withhold ng 5% dun sa kanilang suppliers,” dugtong ng BIR chief.
Sinabi rin ni Lumagui na ang lahat ng kandidato at political organizations ay kailangang mag-isyu ng resibo para sa mga kontribusyon na kanilang natanggap ito man ay “in cash or in kind”.
Paliwanag ng BIR head, na isa ring lawyer, “kinakailangan nag-apply yan ng mga non-VAT invoices dahil kinakailangan nilang mag-issue ng resibo––lahat ng mga kandidato at political parties––ng invoice nila dun na sa mga nag-contribute sa kanila whether cash or in-kind, kinakailangan nilang isyuhan yan ng invoice.”
Bukod dito, dapat ding umanong i-record ng bawat kandidato ang mga gastos sa pangangampanya at magsumite ng detalyadong ulat hindi lamang sa Commission on Elections (Comelec) kundi maging sa BIR.
“Tapos doon sa mga expenses nila, kinakailangan nilang ilista lahat yan at isasubmit din doon sa Statement of Contribution and Expenditures sa Comelec, pati na rin dito sa aming ahensya para makita natin na lahat kung compliant ang kanilang obligasyon dito,” paalaala ni Lumagui.
“While candidates and parties are allowed to keep excess campaign contributions, they must remember to pay taxes on these. ‘Pagka sobra naman ang natanggap nila na mga contributions sa mga ginastos nila, kinakailangan nilang bayaran ang income tax patungkol dito sa sobrang natanggap nila,” ayon pa sa BIR commissioner.
“Candidates and parties who fail to comply with these requirements could face tax evasion charges, and in certain cases, non-compliance may even serve as grounds for disqualification.” Ang mahigpit na babala naman ni Lumagui.