
SA halip na direktang sagutin ang kantyaw hinggil sa pagiging inutil ng administrasyong Marcos, naglabas na hamon ang Palasyo kay former presidential spokesperson Harry Roque.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, mas magiging kapani-paniwala ang dating tagapagsalita ni former President Rodrigo Duterte kung uuwi muna sa Pilipinas at patunayan sa taumbayan na isang “lame duck” si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Una nang kumalat sa social media ang isang video post kung saan tinawag ni Roque si Marcos na isang walang silbing Pangulo matapos lumabas ang resulta ng eleksyon kung saan ani m lang sa orihinal na 12 pambato sa posisyon ng senador ang nakapasok sa Magic 12.
Ani Castro, kung inaakala ni Roque na balewala na ang administrasyon, dapat bumalik na ito sa Pilipinas sa halip na nagtatago sa ibang bansa.
“Kung lame duck po ang Pangulo at parang balewala na po ang administrasyon, dapat bumalik na siya kaagad dito,” wika ng abogadong Palace official.