WALANG lugar sa gobyerno ang mga red-taggers. Ito marahil ang napagtanto ni National Youth Commission (NYC) Chairperson at Chief Executive Officer Ronald Cardema matapos magpasya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sibakin na siya sa pwesto.
Sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO), inihayag ng Palasyo ang pagtatalaga kay Department of Tourism (DOT) Region 1 Director Joseph Francisco Ortega bilang bagong NYC chairperson.
Bukod kay Ortega, hinirang din si Karl Josef Legazpi na director ng isang tanggapan sa Kamara, bilang second Commissioner-at-Large ng NYC.
“Mr. Ortega’s appointment is part of the administration’s commitment to empowering the Filipino youth and ensuring that their voices are represented at the highest levels of government,” pahayag ng Malacañang.
Hindi tulad ni Cardema na bigo sa mandatong tutukan ang mga lider-kabataan, kumbinsido si Marcos na may kakayahan si Ortega na paghusayin ang Sangguniang Kabataan.
Higit na kilala si Cardema sa red-tagging ng nakalipas na administrasyon.
