
TIWALA si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na may kakayahan ang Philippine Statistics Authority (PSA) at National Bureau of Investigation (NBI) na beripikahin kung totoo ang mga pangalang Chel Diokno at Marian Rivera sa mga naambunan ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
“In fact, the agencies that are tasked and also have the capacity to really assess and verify whether a certain Chel Diokno is indeed apart from the Chel Diokno that we’d popularly know. Merong isang Chel Diokno yan na nag-exist na informant, intelligence informant, possible intelligence informant ay totoo na naka-receive sa acknowledgement receipts or payment,” pahayag pa ni Adiong sa panayam ng dzBB nitong Linggo.
“So I guess the agencies that can actually help us, the public, to really know whether may talagang tao na ganun din ng pangalan ay PSA at NBI. That’s why from the very start alam mo naman we requested the assistance of these agencies,” dagdag pa niya.
Ayon kay Adiong, maraming acknowledgement receipts ang hindi na nailabas sa naging imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
“Nung time na nagkaroon kami ng investigation dun sa Good Government, hindi lahat pa nung mga acknowledgement receipts ay nakita namin or nasiyasat namin ng maayos,” ani Adiong.
“In fact, just a portion of the acknowledgement receipts were at that time available to the Good Government that we were able to see yung discrepancies no.”
Aniya, ang mga naturang dokumento ay may kahina-hinalang nilalaman at nagpapakita ng mga pagkakaiba-iba.
“Iyong mga pirma, mga pangalan na pagkapare-pareho pero makakaibang lugar, may mga pirma na hindi magkapareho pero iisa ‘yung pangalan,” dagdag niya.
“As to the new revelations, kaya nga namin hiningi yung assistance ng PSA at NBI kasi marami pang acknowledgement receipts at that time na hindi pa natin na nakikita,” pahayag pa ni Adiong.
Ipinaliwanag din niya ang layunin ng paglahok ng mga nabanggit na ahensya sa pagsusuri ng mga pangalan sa acknowledgement receipts ng confidential funds.
“Just to unburden for example and also to give justice and fairness to the ones who are involved in the investigation whose names were constantly popping up. Just to give them also just to give due process and also fairness, kailangan din natin ang ahensya na merong kakayahan at credibility at meron silang mandato para tingnan kung totoo itong mga pangalan na ito ay existing.”
“That’s why we requested PSA and the NBI to also verify not only yung mga kuwestyonableng acknowledgement receipts but to examine also forensically if this signature specimen is actually signed by one and the same person,” dagdag niya.
Inamin ni Adiong na hindi pa nila nasusuri ang mga entry na may pangalan nina Diokno at Rivera.
“So hindi pa namin inabot ‘yan. In fact, ako nga kagabi nakita kung ay mga reports that apparently they are to individual recipient informant. I don’t know kung informant ito sila kasi sa prosecution team na ito.” (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)