
MAS maaga kesa sa karaniwang panahon ang itinakdang petsa ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng kandidatura para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, simula sa unang linggo ng Hulyo pwede nang magsumite ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga nais lumahok sa halalan sa Oktubre 30 ng kasalukuyang taon.
Paliwanag ni Garcia, sadyang pinaaga ang COC filing upang bigyang daan ang mas mahabang panahon para sa pagsusuri ng mga aspirante at resolbahin agad ang mga ihahain diskwalipikasyon.
Target din ng komisyon na tiyakin hindi makakapanggulo ang mga tinawag niyang ‘nuisance candidates.’
Mas magiging mahigpit din aniya ang poll body sa mga nagnanais tumakbo sa SK election – tablado ang sinumang aspiranteng higit pa sa 24-anyos.
Pagtitiyak ni Garcia, handang-handa na ang Comelec. Katunayan aniya, maliban sa Metro Manila, tapos na ang paglilimbag ng 90.62% ng kabuuang 66.9 milyong balotang gagamitin pagsapit ng mismong araw ng halalan sa Oktubre.