TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na makakatanggap ngayong taon ang lahat ng kawani ng pamahalaan, alinsunod sa anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikatlong State of the Nation Address noong nakaraang Hulyo 22.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, inihahanda na ang executive order para sa implementasyon ng dagdag-sahod para sa nasa 1.9 milyong manggagawa sa gobyerno.
Naglaan na rin aniya ang ahensya ng P70 billion para sa salary adjustment na ibibigay sa apat na bugso (tranches) na aabot ng hanggang 202. Retroactive din umano ang salary increase simula sa buwan ng Enero 2024.
“‘Yung P70 billion para sa adjustment ng first tranche at second tranche for next year. Gusto nating simula this year ‘yung first tranche nung ating salary increase,” wika ni Pangandaman.
Garantiya pa ng DBM chief, ilalabas sa lalong madaling panahon ang Executive Order.
