PARA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., hindi madali ang pagsusuri sa mga nominado para sa susunod na Chief Justice ng Korte Suprema. Pag-amin ni Marcos, pawang kwalipikado, mahusay at may natatanging kakayahan ang mga abogadong papalit kay Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na nakatakdang magretiro sa Nobyembre 6. Samantala, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na walang itinakdang partikular na pamantayan ang pangulo sa pagpili ng susunod na chief justice. Bukod aniya sa magaling lahat, wala pa rin naman aniyang isinumiteng shortlist ang Judicial Bar Council na nagsasagawa ng screening sa hanay ng mga nominado. Mungkahi ni Castro sa publiko, hintayin na lang ang kalalabasan ng pagsusuri ng JBC sa mga aplikante para sa posisyon ng punong mahistrado. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Hamon sa DOJ: Sampolan mga bilyonaryong smuggler