PAANO matatawag na “execution-ready” ang paghahanda ng pambansang budget kung patuloy na pinahihintulutan ang budget allocation para sa mga “blank items,” na walang mahalagang detalye? Ito ang tanong ni Sen. Panfilo Lacson sa Department of Budget and Management (DBM) sa paandar ni Budget Secretary Kim Robert de Leon na “execution-ready” ang 2027 proposed national budget. “Interestingly, sabi ninyo Sec, ang budget preparation is execution-ready. May program of work, etc. Pero may nakita kaming P180M each (region), lump sum ito, intended for all 17 regions, evacuation centers. Wala man lang naka-specify saang lugar sa region… walang specifics. Much as we would like to believe you iba naman ang sinasabi sa National Expenditure Program,” ani Lacson kay de Leon sa Development Budget Coordinating Council briefing. “And mind you it’s not only for 2027. Nakakita din kami ng P100 million each for 2026, ganyan din po. Of course sa DPWH namin tatanungin yan. Pero since this is also part of policy, bakit ninyo pinayagan sa DBCC na magkaroon ng budget na ang item eh halos blangko? May amount, walang specs?” dagdag niya. Ipinaliwanag ni de Leon na kailangan pa rin magsumite ang mga ahensya sa DBM ng mga pinal na detalye bago maipatupad ang mga alokasyon, bukod pa sa kailangan pa aniyang tapusin ng Office of Civil Defense ang listahan. Gayunman, iginiit ni Lacson na dapat ay naisumite na ang mga naturang detalye sa yugto pa lamang ng budget preparation. Nabanggit din niya na habang tinatantiya ng OCD sa P75 milyon ang halaga ng bawat evacuation center, ang Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), isa sa mga private sector group na tumulong sa rehabilitasyon matapos ang Yolanda, kasama ang BPI, ay nakapagtayo ng evacuation center sa Ibaan, Batangas sa halagang P12.7 milyon. Ang PDRF ay kabilang sa mga private sector organization na nakatrabaho ni Lacson sa panahon ng panunungkulan bilang Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery, kung saan pinangunahan niya ang koordinasyon ng mga hakbang upang matulungan ang mga naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda (Haiyan). “Ilang evacuation center following this model ang mapapagawa ng P3.06 billion? (Ang) estimate ng OCD, P75 million per evacuation center. Ang layo sa P12.77 million. Even inputting the inflation, sobra pa rin ang P75 million per evacuation center ,” ani Lacson. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Mayor pa lang si Sara, bilyon na ang confidential funds? Villar: Comprehensive School Safety Act, dapat isabatas na