
HABANG wala pang nahihirang na kapalit ni Rolando Ledesma Macasaet na nagbitiw sa pwesto para bigyang-daan ang paglahok sa nalalapit na halalan, pansamantalang uupo bilang officer-in-charge ng Social Security System si Commissioner Robert Joseph de Claro.
Sa pinagtibay ng resolusyon ng Social Security Commission, si de Claro muna ang tatayong OIC ng ahensya mula Oktubre 11.
“The Senior Vice President, Human Resource Management Group, shall issue immediately the corresponding Personnel Order regarding the designation of Commissioner Robert Joseph M. de Claro,” saad sa Resolution No. 517 na pirmado ni Commission Secretary Agdeppa Santiago.
Una nang nagsumite ng irrevocable resignation si Macasaet bilang SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet matapos tanggapin ang nominasyon upang maging kinatawan ng isang partylist group.