
Employees from the Bureau of Internal Revenue carry boxes of documents during filling of billion pesos tax casses against "ghost companies" issuing fictious receipts inside the Department of Justice along Faura in Manila on 16 March 2023 ------------------------- Bureau of Internal Revenue Commissioner show documents during filling of billion pesos tax casses against "ghost companies" issuing fictious receipts inside the Department of Justice along Faura in Manila on 16 March 2023documents during filling of billion pesos tax casses against "ghost companies" issuing fictious receipts inside the Department of Justice along Faura in Manila on 16 March 2023(photo by Norman Cruz)
SA hangaring bantayan at pigilan ang pagkalat ng mga puslit na kontrabando, nakatakdang ilunsad ng ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang ‘digital track-and-trace system’ para matukoy ang smuggled at unregulated vape products sa merkado.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr., sa pamamagitan ng naturang sistema ay malalaman ng gobyerno at maging mga consumer kung ang vape products at iba pang excisable goods ay lehitimo sa pamamagitan nang pag-scan ng QR codes gamit ang anumang smartphone.
Sa bisa ng naturang hakbang, kumbinsido si Lumagui na lasabay mapangalagaan ang kalusugan ng publiko mula sa masamang epekto ng ipinagbabawal na produkto — bukod pa sa pagpasok ng pondo sa gobyerno sa anyo ng buwis.
“Even businessmen gusto sanang mag-comply, kasi may nahuhuli kaming ganiyan eh, na sasabihin nilang sir hindi naman namin alam na peke itong mga stamps. We get from these wholesalers [who do not know] these products are counterfeit,” sabi pa ng BIR chief.
Para kay Lumagui, lubhang apektado sa ilegal na bentahan ng vape ang koleksyon ng buwis, kasabay ng pag-amin na gumagamit ng makabago at kakaibang uri ng taktika ang mga nasa likod ng sindikatong nagpupuslit at nagpapakalat ng mga kontrabando sa bansa.
Gayunpaman, tiniyak ng chief tax collector na determinado at higit na palalakasin ng BIR ang ‘on-the-ground enforcement’ nito habang mahigpit din siyang nanawagan sa publiko na tumulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa kanila, na mayroong kapalit na insentibo.
“We let the public know that they can report these. There is also a reward under the law… kapag nakakoleta tayo,” ani Lumagui.
“Hindi namin ito titigilan. Patuloy ang gagawin naming operations. Kaya sana mag-comply na lang kayo dahil mas maganda mag-comply, makakatulong kayo sa bansa, makakanegosyo kayo nang tahimik.” pahayag pa ng BIR commissioner.