PARA kay House Speaker Martin Romualdez, malaking kawalan sa Kamara ang pagpanaw ni ANGAT Partylist Rep. Reynaldo S. Tamayo Sr.
Kasabay ng pakikidalamhati sa mga naulila, binigyang pagkilala rin ni Romualdez ang tinawag niyang “committed lawmaker” na aniya’y tahimik na nagtatrabaho para paglingkuran ang sektor na kinakatawan.
“I am deeply saddened by the passing of Rep. Reynaldo Tamayo Sr. He was a quiet but committed worker in Congress. He was focused, sincere and always attentive to the needs of the people he represented,” ayon pa sa House Speaker.
Si Tamayo ang siyang kinatawan ng ANGAT Partylist, na nagsusulong ng mga polisiya at programa para palakasin ang sektor ng agrikultura at tiyakin na naipapaabot ng pamahalaan ang kinakailangang tulong o suporta ng mga magsasaka at iba’t-ibang rural communities.
Ang yumaong mambabatas ay kilala rin ng kanyang mga kasamahan bilang isang principled legislator, na may pagkakumbabang ginagampanan ang kanyang gawain partikular sa layuning mapabuti ang kabuhayan ng mga mamamayan sa liblib na lugar sa bansa.
“He didn’t seek attention, but his contributions were consistent and meaningful. He pushed for programs that aimed to give people a better shot at a decent life,” dagdag ni Speaker Romualdez.
“On behalf of the House, I extend my condolences to his family, loved ones and constituents. We are grateful for his service and mourn his loss,” pagtatapos ng lider ng Kamara. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)
