
SA gitna ng kabi-kabilang batikos sa administrasyon, inatasan ng Palasyo ang National Bureau of Investigation (NBI) na tuntunin at sampolan ang ang mga umano’y nagpapakalat ng fake news na may kinalaman sa pag-aresto at pagsuko kay former President Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Pag-amin ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro, nakikipag-ugnayan na ang Palasyo sa NBI at maging sa Philippine National Police (PNP) para planuhin ang pagdakip sa mga “personalidad” na naglilihis umano ng katotohanan.
Kabilang sa mga tinukoy ni Castro si former Executive Secretary Salvador Medialdea na nagsabing nawawala ang si Duterte – bagay na agad naman pinabulaanan ng ICC.
“Pinag-aaralan po natin yan. Dapat ang mga tao ay magmasid, mag-isip at matuto pong mag-evaluate para hindi nagugulo ang ating isipan at damdamin,” ani Castro.
Kabilang rin sa target ng NBI ang mga vlogger at iba pang nagpapakalat ng fake news.