
IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Disyembre 26, 2023 bilang non-working day upang mabigyan pa ang pamilyang Filipino ng oras para magdiwang ang kapaskuhan.
“The declaration of 26 December 2023, Tuesday, as an additional special (non-working) day will give the people the full opportunity to celebrate the holiday with their families and loved ones,” sabi ng Pangulo sa pag-proklama ng Proclamation No. 425.
Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Proclamation No. 425 ngayong Disyembre 12.
Sinabi ni Marcos na ang mahabang weekend ay makapapa-promote din ng turismo dahil ang Disyembre 25 ay pumatak ng araw ng Lunes.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mag-isyu ng kaukulang circular sa implementasyon para sa pribadong sektor.