KUMPYANSA ang Department of Justice (DOJ) na sa Pilipinas na magdiriwang ng Kapaskuhan ang Pinay death convict na si Mary Jane Veloso.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Justice Undersecretary Raul Vasquez ang buod ng liham mula sa pamahalaan ng Indonesia. Nakasaad aniya sa naturang liham ang hiling ng isang personal na pag-uusap sa pagitan ng Secretary of Justice at ng Minister for Human Rights and Corrections ng Indonesia.
“The Secretary and I may go there this Friday and I think it will be about the details on the possible transfer. We will probably have to discuss,” ayon kay Vasquez.
Kumbinsido rin si Vasquez na ganap na makakabalik sa Pilipinas si Veloso bago sumapit ang araw ng pasko.
“All of us are hoping na before Christmas. If it could be arranged na pagbalik namin nandyan na, di ba mas maganda? I don’t know. But, it’s our embassy people in Indonesia who are discussing it,” dagdag pa niya.
