WALANG kahirap-hirap na inaprubahan ng mga kongresistang miyembro ng House Committee on Local Government ang panukalang batas na nagtutulak palawigin hanggang anim na taon ang termino ng mga halal na opisyales ng barangay at Sangguniang Kabataan.
Sa ilalim ng panukalang inaprubahan ng House Committee on Local government, magsisimula ang anim na taong termino matapos ang May 2029 Barangay and SK elections.
Bahagi ng probisyon ang limitasyon sa termino ng mga chairman at kagawad ng barangay– dalawang sunod na six-year term, kesehodang magbitiw o masuspinde habang nanunungkulan.
Bagamat saklaw ng panukala ang mga lider kabataan, limitado lang sa isang termino ang SK chairman ang sangguniang council members.
Lahat ng nakaupong barangay at SK officials na nanalo noong Oktubre 2023 ay mananatili sa pwesto hanggang sa maupo ang mga mananalo sa May 2029 elections.
