SA gitna ng kabi-kabilang imbestigasyon sa mga proyektong pinaniniwalaang may bahid ng katiwalian, biglang nawala si Undersecretary Roberto Bernardo sa talaan ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways.
Sa Department Order No. 148 na inilabas noong Agosto 6, wala na ang pangalan ni Bernardo sa listahan ng DPWH key officials, gayundin sa directory ng ahensya.
Subalit sa rekord ng kagawaran, nasa “medical leave” umano ang naturang opisyal.
“DPWH Undersecretary Roberto Bernardo is currently on medical leave. During this period, Undersecretary Bernardo will not be performing his official duties,” ayon sa DPWH.
Kabilang si Bernardo sa mga DPWH officials na iniimbestigahan sa pagbagsak ng bagong tulay sa bayan ng Cabagan sa lalawigan ng Isabela.
Kapansin pansin naman na hindi natinag sa pwesto ang dalawa pang DPWH officials — Usec. Eugenio Pipo Jr. at Usec. Ador Canlas, na umano’y may kinalaman sa palpak na proyekto.
