NANATILING pasok sa Magic 12 sina former President Rodrigo Duterte at Senador Bong Go, batay sa pinakabagong resulta ng survey na pinangasiwaan ng Tangere.
Gayunpaman, nalaglag nang tuluyan sa talaan ng mga napipisil na kandidato sa 2025 senatorial race si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Nanguna sa Magic 12 si ACT-CIS Partylist Rep. Erwin T. Tulfo na may score na 57 percent, habang pumangalawa si dating Pangulong Rodrigo R. Duterte, may 50.83 porsyento.
Hindi kalayuan sa ikatlong pwesto si reelectionist Sen. Go na may 47.08 porsyentong marka.
Si dating Senador Tito Sotto ang pang-apat, may 43.75 porsiyento, at si incumbent Sen. Pia Cayetano sa ika-5 puwesto, 41.25%.
Si TV at radio personality Ben Tulfo, kapatid ng nangungunang si Erwin ang umokupa sa ika-6 na puwesto, 40.83%, Sen. Lito Lapid (40.08%), at Presidential sister Sen. Imee Marcos nasa ika-8.
Lumapag sa ika-siyam na puwesto si boxing champ at dating senador Manny Pacquiao (37.50%), Francisco “Isko Moreno” Domagoso (35.42%), sa ika-10 puwesto.
Si dating Senador Ping Lacson na may 35 porsiyento ay nasa ika-11, at si Sen. Francis “Tol” Tolentino, na may 34.17 porsiyento, ang kumumpleto sa tinatawag na ‘Magic 12’ para sa 2025 senatorial race.
