SA gitna na panibagong banta ng kilos protesta kontra katiwalian sa pamahalaan, inihayag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang napipintong pagsasampa sa Office of the Ombudsman ng 15 kaso kaugnay ng ghost flood control projects.
“At least 15 referrals to the Ombudsman [are] ready to be filed in the next two to three weeks,” pahayag ni ICI Executive Director Brian Keith Hosaka.
Ayon kay Hosaka, natukoy na ng ICI ang 421 ghost projects mula sa kabuuang 8,000 flood control projects na ipinatupad mula 2018 hanggang 2024.
Sa naturang bilang, pinakamarami ang ghost flood control projects sa Luzon na nakapagtala ng 261. Pumalo naman sa 109 bulilyaso ang nabisto sa Visayas habang 51 sa Mindanao.
Bumida sa talaan ng mga kanlungan ng katiwalian ang Central Luzon (67), Bicol Region (49), at Eastern Visayas (45), habang 30 proyekto sa Davao Region ang kasalukuyang iniimbestigahan. (LILY REYES)
