WALA masking isang itinira si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga miyembro ng Food Terminal, Inc. (FTI) Board of Directors, matapos maglabas ng direktiba ang Palasyo hinggil sa pagtatalaga ng mga bagong opisyales.
Kabilang sa mga nalaglag sa pwesto sina Angelito Garcia, Marian Luis Versoza Jr., Maria Theresa Teves-Castanos at Robert Tan na pawang miyembro ng FTI Board of Directors.
Samantala, hinirang naman bilang kapalit ng mga sinibak na opisyales sina Atty. Christopher Bañas bilang chairman of the board, Telma Cueva Tolentino, Marissa Jimenez Caldoza, Stanley Sy Chona, Raul Edmund Barcelon Felix at Sheldon Gonzales Jacaban bilang mga miyembro.
Direktiba ni Marcos sa mga bagong FTI offifcials – makipag-ugnayan ang Department of Agriculture para mabigyan ng angkop na tulong ang mga magsasaka at mangingisdang dumadaing sa kawalan ng pasilidad na maaaring paglagakan ng bigas, gulay, prutas at isda sa tuwing bumabaha ang supply.
Sa mga nakalipas na buwan nagpaalala ang Pangulo ang mga opisyales ng FTI hinggil sa mandato ng ahensya – ang magtalaga ng mga pasilidad para sa mga magsasaka at mangingisda.
Gayunpaman, taliwas di umano ang tinutukan ng nasabing ahensya ng pamahalaan – ang lumikom ng pera sa paraan ng pagpapaupa ng 45-ektaryang FTI compound sa mga kapitalistang nagmamay-ari ng mga naglalakihang industrial buildings, opisina, bodega at pabrika.
