TULUYAN nang tinapos ni Senate President Sherwin Gatchalian ang mga haka-haka hinggil sa pangangasiwa sa nakakapit na paglilitis ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang panayam, tiniyak ni Gatchalian na tuloy na pag-arangkada ng impeachment trial sa Lunes kaugnay ng mga kasong kinakaharap ng pangalawang pangulo.
Nang tanungin kung sino ang mamumuno sa pagdinig, walang kahatol-gatol na sinabing siya ang tatayong presiding officer sa impeachment trial ng senado.
Alinsunod aniya sa rules ng mataas na kapulungan — na ang Senate President ang dapat mamuno sa impeachment trial.
Gayunpaman, nilinaw ng lider ng senado na posible rin ipaubaya sa iba ang pagiging presiding officer sa impeachment trial kung babaguhin ang senate rules — o maghalal ng mas karapat-dapat na presiding officer.
Una nang lumutang ang mga pangalan nina Senador Francis Escudero at Kiko Pangilinan sa mga posibleng manungkulan bilang presiding officer sa impeachment trial. Kapwa abogado sina Escudero at Pangilinan.
