TULAD na inaasahan, pormal nang nagsampa ng kasong plunder sa Sandiganbayan ang Office of the Ombudsman laban kay Senador Rodante Marcoleta.
Sa isang pahayag, kinumpirma ni Ombudsman Crispin Remulla ang paghahain ng kaso laban sa senador kaugnay ng umano’y pagtanggap ni Marcoleta ng P75-milyong donasyon para sa kampanya para sa kandidatura sa posisyon ng senador noong nakalipas na taon.
Bukod kay Marcoleta, kaladkad din sa asunto sina former Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor at mga negosyanteng sina Joseph Varias Espiritu at Aristotle Baluyut Viray.
“By accepting money from private individuals amounting to P75 million, he fell short of upholding the standard of responsibility and integrity,” ayon sa Ombudsman.
Natanggap umano ni Marcoleta ang donasyon habang nanunungkulan bilang Kinatawan ng Sagip partylist group sa Kamara.
Una nang naglabas ang Sandiganbayan ng precautionary hold departure order laban kina Marcoleta at sa tatlong kasamang kinasuhan habang isinasagawa ng Ombudsman ang preliminary investigation.
Samantala, inaasahan naman ang paglabas ng warrant of arrest laban sa mga akusado sa susunod na linggo.
