Ni ESTONG REYES
KUMBINSIDO si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada na may mahalagang papel na ginampanan sa illegal POGO operation at pagtakas ng mga pangunahing personalidad sa illegal POGO operations ang alkaldeng boyfriend ni dating bamban Mayor Alice Guo.
Partikular na tinukoy ni Estrada si Sual, Pangasinan Mayor Liseldo Calugay na di umano’y karelasyon ni Guo.
Katunayan aniya, ilalabas niya sa mga susunod na pagdinig ng senado ang ebidesyang patunay na kasosyo ni Guo si Calugay sa sinalakay na POGO hub sa bayan ng Bamban sa lalawigan ng Tarlac.
Bukod aniya sa illegal POGO, pasok din sa iba pang negosyo ni Guo ang boyfriend niyang alkalde ng Sual.
“Kasi sa Tuesday meron pa rin akong mga ebidensya na talagang magkasabwat sila ng mayor ng Sual, Pangasinan… Marami silang sosyo sa negosyo, hindi lang POGO kundi marami,” ayon kay Estrada sa panayam sa radyo.
“Malaki ang aking paniniwala na yung aking theory noong araw na sa palagay ko dun sumakay si Alice Guo sa Pangasinan kasi yung unang testimonya ni Shiela Guo, sinabi five hours ang byahe pa-Manila eh ang travel time papuntang Pangasinan is almost five hours,” dugtong ng senador.
