HINDI na uubra ang malamyang sintensya, baryang multa at sankaterbang pagbabanta sa mga negosyanteng mapagsamantala.
Ito ang giit ni House Committee on Appropriations Senior Vice-Chairperson at Marikina City 2nd Dist. Rep. Stella Luz Quimbo, kasunod ng paghahain ng House Bill 9030 (Philippine Rice Emergency Response Act) na naglalayong tuldukan ang pamamayagpag ng mga hoarders at profiteers na puno’t dulo ng problemang kinakaharap ng bansa.
Partikular na tinukoy ni Quimbo ang datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kaugnay ng 8.7% rice inflation para sa buwan ng Agosto na aniya’y halos doble ng 4.2% na naitala noong buwan ng Hulyo.
Sa price monitoring naman ng Department of Agriculture (DA), sinabi ni Quimbo na ang presyo ng bigas, partikular sa mga pamilihan sa Metro Manila nitong ring Agosto ay umabot sa P57 kada kilo –16% mas mataas kumpara sa sinundan buwan.
Bukod dito, nagpahayag din ng pagkababahala ang Marikina City solon sa patuloy na pamamayagpag umano ng rice hoarders at ang banta ng El Niño, na aniya’y mauwi sa pagbagsak ng inaasahang ani ng mga magsasaka.
“Puno ng pangamba ang bawat Pilipino na sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bigas, baka mauulit ang nangyari sa kaso ng sibuyas noong 2022. To allay the fears of the Filipino people, there is an urgent need for swift action,” wika ni Quimbo
“The Philippine Rice Emergency Response Act, filed as House Bill 9030, is not just a reaction to these challenges. Rather, it is a strategic set of solutions— a comprehensive tool kit – that seeks to shield consumers and our local farmers, as well as traders, during tight conditions in the rice market,” saad sa isang bahagi ng panukala ng lider-kongresista.
Sa ilalim ng HB 9030, tatlong estratehiyang ani Quimbo ay pawang mabisang solusyon sa mga nabanggit na suliranin patungkol sa suplay ng bigas sa bansa.
“The first set of strategies is to directly address prices by ensuring sufficient supply. This bill seeks to allow imports by the NFA to increase its buffer stocks. Further, it uses rice tariff reduction as a way to further manage prices, especially when world prices of rice are high.”
“The second set of strategies includes subsidizing key stakeholders in the production and consumption of rice, including local farmers and impoverished households. In case a price ceiling is in place, retailers can also be subsidized if they face operating losses,” aniya pa.
Ang ikatlo at huling hakbang – agresibo at walang humpay na pagtugis sa mga hoarder at ang pagtatakda ng mas mabigat na parusa laban sa kanila.
Mungkahi ni Quimbo, 10 hanggang 30 taon sa loob ng bilangguan sa mga mapatutunayang sangkot sa hoarding at illegal price manipulation.
Sa ilalim ng umiiral na batas, limang hanggang 15 taon lang ang hatol para sa kasong paglabag sa Price Act.