
SA kabila ng posisyon ng Palasyo, patuloy pa rin ang garapalang operasyon ng e-sabong – sa tulong ng mga kilalang personalidad kabilang ang mga artista at vloggers.
Sa isang kalatas, hayagang nanawagan ang grupong Digital Pinoys sa mga online influencers na itigil ang pag-endorso sa mga illegal online gambling sites.
Pakiusap ng Digital Pinoys sa mga endorsers, timbangin ang masamang epekto sa lipunan ng ineendorsong sugal na anila’y nagdulot ng pagkawasak ng pamilya, pagbagsak ng kabuhayan at pagkalason sa isipan ng mga kabataan, lalo pa’t bukas sa lahat ang palaro gamit ang cellphones.
“Social media influencers should stop engaging with unregistered online gambling sites as their endorsement creates more victims,” ani Ronald Gustilo na tumatayong national campaigner ng Digital Pinoys.
“They should be aware that it is their endorsement that helps create the situation for people to be duped by these illegal sites.”
Sa halip na isulong ang e-sabong at iba pang illegal online gambling, mas angkop aniyang isuplong sa pamahalaan ang mga taong humikayat sa kanila bilang endorsers.
“By disclosing their contacts working with illegal gambling sites, social media influencers will be giving the campaign against the illegal activities of online gambling site operators a big boost,” ayon pa sa Digital Pinoys.