Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
HINDI matatawaran ang pagbibigay ng ibayong pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino na Middle East lugar na apektado ng labanan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, katangi-tangi ang ipinamalas na malasakit ng Pangulo sa hanay ng mga migranteng manggagawa sa gitna ng bakbakan sa pagitan ng Israel at Lebanon.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos personal na masaksihan ang video conference sa mga miyembro ng gabinete para alamin ang mga kaganapan kaugnay ng mga ginagawang hakbang para tiyakin ang kaligtasan ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa mga nasabing bansa sa gitnang silangan ng Asya — habang nasa gitna ng Asean Summit.
Magkatabi ang pwesto nina Marcos at Romualdez sa nasabing pagpupulong ng mga lider ng iba’t ibang bansa sa timog silangang Asya.
“The President’s decision to prioritize the safety of our countrymen, even while attending the 44th and 45th ASEAN Summit in Laos, reflects his deep concern and dedication to every Filipino,” ani Romualdez.
Iang nasabing video conference ni Pangulong Marcos ay inilarawan ng House Speaker bilang isang “urgent call to assess the situation.”
“There was growing tension in the Middle East and we have to secure our Filipinos there. We wanted to make the security arrangements and assure them that amidst the growing tensions, we secure our Filipinos in the region.”
