November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Halos 3k aplikante dumagsa sa job hunt ng DMW

Dinagsa ng ating mga kababayan ang 1st Seafarers JOBS FAIR 2023 na isinagawa sa Department of Migrant Workers (DMW), lungsod ng Mandaluyong.

Sa pinakahuling tala ng DMW Miyerkules ng ala-12:30 ng hapon ay umabot na sa mahigit 2,700 ang mga nagpasa ng aplikasyon sa 25 malalaking manning agencies.

Ilan sa mga trabahong puwedeng applyan ng  mga kababayan ay ang mga Ratings and Officer position sa deck, engine at catering departments ng mga traditional ships (gaya ng bulk carriers, tankers, containers, general cargo, heavy lift, LNG tankers, car carriers, oil at chemical tankers, at iba pa), at offshore installations.

Mayroon ding mga naghihintay na trabaho para sa iba’t ibang departamento ng mga cruise ship gaya ng hotel, restaurant, galley, food and beverage, casino, bars, entertainment at housekeeping.