TULAD ng inaasahan, tuluyan nang pinagbawalan si Senador Francis Escudero lumabas ng bansa matapos maglabas ng precautionary hold-departure order (PHDO) ang Sandiganbayan.
Sa kalatas ng Sandiganbayan Sixth Division, saklaw din ng PHDO ang negosyanteng Maynard Ngu na sinasabing tumanggap ng flood control kotong na para kay Escudero.
Inatasan ng anti-graft court ang Bureau of Immigration na ilagay sa hold departure list ang mga pangalan nina Escudero at Ngu para hindi makalabas ng bansa matapos direktang idawit ni former DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa dambuhalang katiwalian sa likod ng mga flood control projects ng pamahalaan.
Una nang itinanggi ni Escudero ang paratang ni Bernardo, kasabay ng giit na bahagi ng tinawag niyang “well-orchestrated plan” laban sa senado ang pasabog ng dating DPWH official.
