Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
POSITIBO ang mga kongresistang kasapi ng bagong tatag koalisyon sa pagitan ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at Lakas-CMD may iba pang partidong target sumama sa tinaguriang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.
“Definitely one thing po is certain, na masaya po kami sa Lakas and members of the PFP sa naging alyansa o bagong alyansa ng miyembro, members of Lakas and also the members of PFP,” wika ni Deputy Majority Leader at Isabela Rep. Faustino Dy V.
“Napakataas po ng morale ng mga members at syempre we expect other parties to join this alliance also in the next few months maybe,” dugtong ni Dy sa isinagawang regular press conference sa Kamara kamakailan.
Araw ng Miyerkules nang personal na saksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang paglagda nina House Speaker Martin Romualdez at South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr. sa kasunduan para sa alyansa ng PFP at sa Lakas-CMD.
“I can imagine that the President’s statements are very clear, that he still want unity, he is still wants everyone to be unified under the current administration because pare-pareho naman po ng layunin ng bawat partido, na itulak ang progreso, ipagpatuloy ang progreso ng ating bansa. So, I can imagine that the other political parties will still be welcome if they decide to coalesce or align with this new alliance,” ayon pa kay Dy.
Diin ng Isabela solon, maging ang iba pang naunang bumitaw sa administration coalition ay malugod na tatanggapin at maaaring sumama sa ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.’
Ayon naman kay Manila 1st District Rep. Ernesto Dionisio Jr., na isa ring ranking member ng Lakas-CMD, kung naniniwala at sinusuportahan ng sinuman ang adhikain ng administrasyon partikular sa pagpapaunlad ng bansa at mabuting pamamahala, sila ay pwedeng maging miyembro.
“We are very fortunate to have a President who really adheres to the word unity. Talagang niyayakap niya ang lahat. So, as long as you are joining the vision of our President for progress, there is no reason para hindi ka sumama,” sabi pa ng House assistant majority leader.
Samantala, kapwa inihayag nina Dy at Dionisio na para mapanatili ang katatagan ng bagong buong koalisyon, kinakailangang maresolba ang usapin sa nalalapit na 2025 midterm elections – ang paghirang ng common candidates.
“That’s something that was not discussed yet and it’s something I’m sure the leaders of Lakas and also PFP will discuss in the next meetings to come,” ayon kay Dy.
“I think that the leadership of both parties will resolve any possible local issues or conflict, being ang pagsasama involves unity. So, I think that’s the message and hopefully, everything will turn out best,” bulalas naman ni Dionisio.
