
NASA 30 na ang bilang ng mga insidenteng may kaugnayan sa halalan, ayon sa Philippine National Police.
Ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Biyernes, umakyat na sa 30 ang bilang ng mga na-validate na insidente na may kaugnayan sa halalan.
Karamihan sa mga na-validate na mararahas na insidente na may kaugnayan sa halalan ay naiulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na may walo, sinundan ng Cordillera Administrative Region na may anim at Zamboanga Peninsula na may tatlo. Mayroon ding isang na-validate na marahas na insidente na may kaugnayan sa halalan sa Ilocos Region, Central Luzon, Eastern Visayas, Davao Region at Soccsksargen.
Inaalam din ng PNP ang walong hinihinalang insidente na may kaugnayan sa halalan sa Cagayan Valley, Bicol, CAR at Calabarzon.
Samantala, sinabi ng PNP na may kabuuang 2,626 na indibidwal ang naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Metro Manila na may 906, sinundan ng Central Luzon na may 334 at Central Visayas na may 276.