SULIT ang boto kay Senador Bong Go, ayon sa isang premyadong alagad ng sining, kasabay ng panawagan sa mga botante na suportahan lang ang mga kandidatong tunay na nagmamalasakit.
Sa Facebook post ni Nora Aunor na kinikilalang Superstar ng Pelikulang Pilipino, hayagang inindorso ang reelectionist senator para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo ng kasalukuyang taon.
Bilang patunay, inamin ni Aunor na siya’y buhay na saksi sa malasakit malasakit sa kapwa ni Go, na kanya umanong unang nakilala sa Palasyo para tanggapin ang National Artist Award mula kay former President Rodrigo Duterte.
“Hindi po iyon ang naging huli bagkus iyon po ang naging simula upang patuloy ko pong maranasan ang kanyang tunay na malasakit,” saad ng beteranong artista sa pinilakang tabing.
Batay aniya sa kanyang pagkakakilala sa naturang senador, isang tahimik at mahiyaing tao si Go na punong may-akda ng Malasakit Centers na lubos na pinakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino.
“Trabaho lang po ng trabaho yang si Sen Bong. Siya po ang taong walang pinipiling lugar, walang pinipiling oras at mas lalong walang pinipiling katayuan sa buhay ng isang tao,” dugtong ng aktres.
“Lahat po ng Pilipino para sa kanya ay mahalaga. Isa siyang tunay na tao na kung magserbisyo ay personal, harapan hindi po para makita lang sa Facebook o TV. Hindi po pilit at higit po sa lahat ay serbisyong may malasakit. Iyan po si Kuya Sen. Bong Go. Muli po nating ibalik sa senado ang ating Mr. Malasakit ng Senado.
