PUMALO sa mahigit dalawang milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Batay sa datos ng PSA, nasa mahigit 800,000 ang nadagdag sa hanay ng mga unemployed noong nakaraang buwan ng Abril, mas mataas kumpara sa 760,000 na nawalan ng trabaho noong Marso.
Sa kabila ng dalawang sunod na dagok sa hanay ng mga manggagawa, nanindigan si PSA Undersecretary Dennis Mapa na walang epekto sa ekonomiya ng Pilipinas ang naitalang bilang ng ahensya.
Paliwanag ni Mapa, Ayon kay Mapa, nasa 781 ng nasabing bilang ang pinili na lang tumulong sa bahay kesa maghanap ulit ng papasukan, habang 243,000 naman aniya ang nagpasya na bumalik na lang muna sa pag-aaral.
Pasok din sa datos ang 113 obrerong mas piniling tumigil sa trabaho dahil sa peligrong dala ng El Niño sa mga naturang buwan.
Samantala, 170,000 ang obligadong tumigil sa trabaho matapos maabot ang mandatory retirement age.
Para kay Mapa, malaki ang epekto ng El Niño sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabahong Pinoy – “This could be because of the impact of El Niño… as production was lower, you have that decrease also in employed persons.”
Gayunpaman, lumalabas din aniya sa pag-aaral na dumami ang mga Pilipinong nagdoble-kayod para sumapat ang kita sa pangangailangan ng pamilya.
