
SA hangaring pag-ibayuhin ang giyera kontra “fake news,” itinalaga ng liderato ng Kamara si Atty. Priscilla Marie “Princess” T. Abante bilang official spokesperson ng mababang kapulungan para sa nalalabing bahagi ng 19th Congress.
Sa kalatas ng Kamara, hangad umano ng Kongreso mapahusay ang paghahatid ng tamang mensahe o impormasyon sa publiko.
“The appointment, formally issued by House Secretary General Reginald Velasco, is part of the continuing effort of the chamber under the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez to strengthen transparency and ensure accurate, timely communication of legislative priorities, investigations, and national policy directions,” saad sa kalatas ng paghirang ng tagapagsalita ng institusyon sa unang pagkakataon.
“Her (Atty. Abante) appointment places a strategic communicator at the forefront of an increasingly complex and politically charged media environment.”
Si Atty. Abante ay anak ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, chairman ng House Committee on Human Rights at co-chair ng makapangyarihang Quad Comm na nagsagawa ng mga pagdinig hinggil sa extrajudicial killings, illegal drugs at illegal POGOs.
Bahagi ng magiging trabaho ni Atty. Abante ang pagkatawan sa Kamara sa pagharap sa media — gayundin sa publiko.
Inatasan din ang batang Abante maglahad ng “formal statements,” paglilinaw sa mga isyung may kaugnayan sa lehislatura at pangunahan ang layuning maging mas bukas at malinaw sa mga ordinaryong mamamayan kung ano ang ginagawa ng Kamara.
“The House cannot afford to be silent while lies travel faster than truth. We will speak with clarity, we will speak with purpose and we will speak without hesitation,” ani Atty. Abante hinggil sa bago niyang papel.
“Tayo po ay mag-uulat sa bayan ng pawang mga katotohanan lamang. Walang halong fake news. Walang labis, walang kulang, dahil ito po ang ating mandato sa mamamayang Pilipino,” dugtong niya. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)