“WE are closely monitoring developments in Iran and the broader Middle East with serious concern for the safety and welfare of our countrymen in the region, particularly our hardworking overseas Filipino workers.”
Ito ang panimulang pahayag ni House Speaker Faustino Dy III kaugnay ng pagsiklab ng giyera sa pagitan ng pinagsanib na pwersa ng Amerika at Israel laban sa Iran.
“Ang ating mga OFW ay mahalagang bahagi ng ating bansa at ng ating ekonomiya… Mahalaga na matiyak ang kanilang kaligtasan at maibigay ang kinakailangang suporta sa oras ng pangangailangan,” wika ni Dy sa isang kalatas.
“We acknowledge and commend the decisive actions of President Ferdinand R. Marcos Jr. in directing concerned government agencies to determine the whereabouts of Filipinos in the Middle East, to take immediate steps to ensure their safety, and to activate contingency measures as tensions escalate following recent developments in the region,” dugtong ng lider ng Kamara.
Panawagan ni Dy sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) tiyakin maayos na ipinatutupad ang contingency plans, gayundin ang kahandaan ng assistance teams at maging ang linya ng komunikasyon para sa agarang tugon.
“Nananawagan din tayo sa ating mga kababayan sa mga apektadong lugar na manatiling mag-ingat at sumunod sa mga opisyal na abiso ng ating pamahalaan,” sambit pa ng pinuno ng Kamara.
“We continue to hope for a peaceful resolution of tensions and firmly reaffirm that the safety and protection of our people will always be our foremost priority.” (ROMER R. BUTUYAN)
