KAWAWANG Pilipinas. Ito ang patutsada ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng pahayag ni Justice Secretary Crispin Remulla hinggil sa planong pagsasampa ng kaso bunsod ng mga binitawang salita ng pangalawang pangulo — ipahukay ang labi ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos Sr. para ipatapon sa West Philippine Sea.
“Unang una, ipagdasal natin ang Pilipinas dahil we have a secretary of justice na hindi alam ang batas,” patutsada ni Duterte.
“Talking about desecration of a body is not desecration of the dead. Sana siguro as a lawyer maintindihan niya yun agad,” bwelta ni VP Sara kay Remulla.
Gayunpaman, nanindigan ang DOJ chief na “conduct unbecoming” para sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan ang sinabi ni VP Sara.
“I think we all know the score on what kind of vice-president we have. How seemingly unstable her mind can be. This country does not deserve a future with this kind of person like this,” ani Remulla.
Karagdagang Balita
DPWH TATALUPAN SA PALPAK NA FLOOD CONTROL PROGRAM
PANIBAGONG BAGYO, KUMAKATOK NA SA PINAS
WALANG DAGDAG-BAWAS SA REKORD NG BLUE RIBBON