MATAPOS ang pagluklok ni Senador Sherwin Gatchalian bilang ikaapat na Senate President, tiniyak ng pamunuan ng Kamara ang patuloy kooperasyon ng dalawang kapulungan sa pagsusulong ng mga panukala para palaguin ang ekonomiya, palawakin ang serbisyo publiko at pagaanin ang buhay ng mga Pilipino.
Sa isang kalatas, nagpaabot ng pagbati si House Speaker Faustino Dy III sa ikaapat na senate president ngayong 20th Congress.
Naniniwala rin si Dy na pagkakahirang kay Gatchalian ay nagbibigay-daan para magkatuwang na maisakatuparan mandato ng Kongreso alinsunod sa ang sa katuparan ng g sa panahong kinakailangan magkatuwang na gampanan ng Kamara at Senado alinsunod sa 1987 Constitution.
“The House of Representatives congratulates Senator Sherwin Gatchalian on his formal election as Senate President. This development comes at an important time as both houses of Congress continue to carry out their constitutional responsibilities and act on issues that have a direct impact on the lives of Filipinos,” sabi pa ng House Speaker mula sa Isabela.
“The House remains committed to working with the Senate in advancing priority legislation, strengthening the economy, and delivering meaningful reforms that benefit our people,” wika ng tagapamuno ng Kamara.
Sa kabila aniya ng mga hamon, mahalagang manatiling nakatuon ang Kongreso sa mga panukalang makatutulong sa taumbayan at “kapag nagtutulungan ang dalawang kapulungan, mas mabilis natin naihahatid ang mga repormang kailangan ng sambayanan.”
“We look forward to maintaining a productive partnership with the Senate under the leadership of Senate President Gatchalian, guided by mutual respect and a shared commitment to serving the nation.”
Buong pagtanggap naman ang ipinahiwatig ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa pagkakaluklok sa tinaguriang niyang Ilocos ‘level-headed’ SP Gatchalian.
“On behalf of the House, we would like to congratulate Senate President Sherwin Gatchalian. We look forward to working with him,” sambit ni Majo Marcos sa isang ambush interview.
Kumbinsido rin ang mambabatas mula sa Ilocos Norte na uusad na ang Senado para muling aksyunan ang mga nakabinbin gawain.
Ang klase ng ugali at istilo ng pamumuno ng bagong Senate President ay nababagay umano sa posisyon at makakatulong manumbalik ang “stability at focus” ng nasabing institusyon.
“I have worked with him and I know how level-headed he can be. So I think that’s exactly what this current political climate needs, especially there in the Senate, level-headedness and just the need for all of us to really get back to work.”
