NAKATAKDANG isalang ng House prosecution panel si Davao City Mayor Baste Duterte kaugnay ng mga kontratang iginawad ng lokal na pamahalaan sa kumpanyang pag-aari ni Vice President Sara Duterte. Sa isang pahayag, partikular na tinukoy ni Bicol Saro partylist Rep. Terry Ridon ang P14.33-milyong halaga ng kontratang nasungkit ng GenCorp sa lokal na pamahalaan na pinamumunuan ng kapatid ng bise presidente. Bukod aniya sa Davao, pinasok din umano ni GenCorp ang PhilHealth regional office kung saan nakakuha ng hindi bababa sa P600,000 catering contract ang kumpanyang pagmamay-ari aniya ni Duterte. “Gusto namin malaman kung meron pang mga government contracts na pinasok yun pong GenCorp during the last couple of years,” wika ni Ridon. Para kay Ridon, hindi mahirap tukuyin ang iba pang ahensya na pinasok ng GenCorp. “PhilGeps records lang ang katapat niyan, matutunton na natin agad.” “Kasi yung pong office of city mayor, sila po yung naglalabas ng mga business permits. So gusto natin malaman po, meron po bang mga nakatala sa kanila pong database ng pong mga kontrata relating to GenCorp, kung saan nakalista na ang interested party ang pangalawang pangulo” paliwanag ni Ridon. Kumbinsido rin ang kongresista na walang magagawa ang Davao City mayor kundi tumugon sa patawag ng impeachment court sa bisa ng subpoena. Wala rin aniyang dahilan ang alkalde tumanggi dahil hindi naman siya ang akusado — “Hindi naman p, respondent si Mayor Duterte . So he will have to honor the subpoena.” Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Cybercrime patok sa Pinas — SWS survey Kamara abangers sa Anti-Dynasty Bill ng Senado