Ni LILY REYES
SA gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng produktong petrolyo sa bansa, dapat pagtingin ng pamahalaan ang karapatan sa West Philippine Sea kung saan di umano target ng China ang mayamang deposito ng langis at natural gas kung nais ng administrasyon maging fuel self-sufficiency.
Ayon kay BenCyrus Ellorin na tumatayong convenor ng Pinoy Aksyon for Governance and the Environment, hindi na kailangan maghanap pa ng pamahalaan ng pagkukunan ng langis lalo pa’t may mga pag-aaral na nagpapatunay sa potensyal ng West Philippine Sea.
Panawagan ni Ellorin – gamitin ang yaman ng West Philippine Sea para sa pagpapalawak ng renewable energy sources at natural gas.
“Sa kabila ng demand at hirap ng pagkuha ng suplay ng langis… hindi na kailangan pa maghanap ng pagkukunan… abot-kamay lang natin ang deposito,” ani Ellorin.
Gayunpaman, ang tanging paraan lang aniya ay manindigan ang pamahalaan sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea, kasabay ng giit na pigilan ang China sa panghihimasok sa exclusive economic zone ng bansa.
Babala ng grupong Pinoy Aksyon for Governance and the Environment, mas magiging mahirap at mas mahal ang kuryente at langis sa mga susunod na taon m– bagay na maiiwasan kung simulan ng pamahalaan ang pagsasaliksik sa naturang rehiyon.
Bukod sa natural gas at langis, malaki din anila ang potensyal ng West Philippine Sea sa aspeto ng iba pang anyos ng renewable energy – solar, wind, hydro, biomass at tidal power sources.
