HINDI na ginamitan ng pwersa ng Palasyo ang ang Commission on Appointments (CA) kaugnay ng pagtatalaga kay Raphael Lotilla bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa isang anunsyo, inihayag ng Malacanang ang paghirang kay Lotilla bilang Ambassador to the Holy See.
Para tiyakin hindi madidiskaril ang operasyon ng DENR, inihayag naman ng Palasyo ang pagtatalaga kay Undersecretary Juan Miguel Cuna bilang kapalit ni Lotilla na makailang ulit na na-bypass ng CA.
Bago pa man hinirang para pamunuan ang kagawaran, nagsilbi si Cuna bilang Provincial Environment and Natural Resources Officer mula 2008 hanggang 2010, hanggang sa naluklok bilang Director, Assistant Secretary hanggang Undersecretary ng ahensya.
Dati rin nanungkulan si Cuna — na isang abogado — bilang legal officer ng Presidential Legislative Liaison Office ng Office of the President. (LOUIE LEGARDA)
